LUNAS

LUNAS

By Dr. Sonny Sendon

Walang makapagsabi sa kaniyang mga anak.

Palyadong megalungsod ang kaniyang puso,

sanga-sanga’t baradong eskinita ang mga ugat.

Walang ibang lunas kundi agas.

Tumabi ako para magpaliwanag.

Malayo na ang kaniyang nalakbay, aniya.

Taimtim at maalam ang kaniya pagkakabigkas.

Humimpil siya nang saglit at lumagok ng malamig na tubig

At napawi ang lahat ng aming pangamba.

| SHARE