LISENSYA

LISENSYA

By Dr Kevin Joy Batan

Isa, parang blankong libro

Nakakalula, nakakakaba

Musmos na manggagamot, nakatingala

Pano ba? Bahala na

Pangalawa, libro nagkakalaman na

Utak nagkakalaman na

Subalit, sulat nabahiran ng pawis at luha

Puso kaya pa ba?

Pangatlo, libro patapos na

Manggamot nasaan ka na

Kasiyahan nahanap mo ba?

Sa huling kabanata, nakatingala pa ba?

Dating musmos, tara rounds na

Dr. Keven Joy Batan

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

| SHARE